sa linggong ito, nasa isang ospital ako kung saan nasa gitna sya ng grazing area. ito ang unang beses kong napadpad sa isang ospital kung saan pag dungaw mo sa bintana ay baka at tandang ang makikita mo, at kung saan pwede kang makipag-patintero sa mga sasakyan sa labas.
tatawagin natin itong lugar na ito na naak, cavite.
may in-examine kami ni doc jiggs na isang nurse na naniniwalang nakulam sya dahil sa dami ng pigsa nya sa lugar kung saan ayaw mong magka-pigsa. tinapalan pa nya ito ng gumamela. marami nang mga doctor ang nagpahiwatig na gusto nilang pigain at gamutin ang mga pigsa nya ngunit ilang beses na nya tinanggihan ang mga ito. ako pa lamang ang babaeng doctor na nag-alok gawin ito sa kanya. nag-sales talk pa ako na kesyo magaan ang kamay ko, pero ayaw pa rin. binilog ko na lang ng konti ulo nya para man lang mag-simula ng antibiotics at para malanggasan ng maayos ang sugat nya. napapayag ko rin.
nakaka-gulat na may mga nurse pa pala na sumusunod sa mga kasabihan ng mga matatanda at naniniwala pa sa kulam.
mahirap tutulan ang mga ito dahil sa tindi ng paniniwala nila. sarado na ang utak ng iba. lalo na dito sa naak kung saan mayaman sila sa tapal…
… at ang kapitbahay ng ospital na ito ay ang bahay ng albularyo at tawak.
doc zoe: ano po yung tawak?
doc jiggs: yun yung manggagamot na naninipsip ng sakit.
doc zoe: ah, yung pag may bukol sa suso, sisipsipin yung suso…
doc jiggs: …o kung may pigsa sa pwet, sisipsipin nya yon…
doc zoe: … o kung may snake bite sa paa, kahit ang dumi-dumi pa nun, sisipsipin pa rin nya?
doc jiggs: ganon nga.
doc zoe: ew.
doc jiggs: pag ganon kasi, di mo na sila pwedeng kontrahin pa. e yung anti-venom natin ay ide-deliver pa from 20 minutes away. e kung pinigilan mo pa yung dala nilang tawak, baka ikaw pa ang sisihin ng pamilya, kesyo dahil di mo pinayagan ang tawak kaya namatay yung pasyente nila.
doc zoe: oo nga naman. may na-encounter ka na ba na ganon?
doc jiggs: oo. pinayagan ko lang, bahala na sila kung saan nanggaling yung paang yon at ang dumi-dumi… sasabihin ko na lang na pwede habang wala pa yung anti-venom pero di na nila pwedeng higupin yon pag nalagyan na ng anti-venom. syempre, papayaga na sila sa compromise ko.
doc zoe: nagkaroon ka ba ng case na kung san dinala na nga nila sa e.r., nagsama pa sila ng tawak sa e.r., ginamot ng tawak, tapos iinsist na iuwi na, tipong ginamit lang yung e.r. at yung tawak ang nag-take ng place mo?
doc jiggs: marami! minsan nga pipilitin pa nila na wag na lang magpalagay ng anti-venom kasi sabi ng tawak ok na yon. pag ganon, pinapa-pirma ko na lang. e di sila mapapakali kaya magpapalagay na rin sila ng anti-venom.
doc zoe: mostly ba ang kaso ng mga tawak ay yung mga natuklaw ng ahas?
doc jiggs: oo, yun talaga ang karamihan sa kaso nila.
doc zoe: bakit? may powers ba sila? as in, may powers ba ang laway nila?
doc jiggs: parang ganon na nga. hindi naman kasi yan ina-applyan. mana yan. kung tatay mo ay tawak, magiging tawak ka din. pag mamamatay na sila, dadasalan ka nila kaya may powers ang laway nyan. bukod don, may parang training din yan. kasi, example, alam nila na pag may singaw sila ay di sila pwede mag-sipsip, ganon.
doc zoe: ayos! buti na lang pala di ako pinanganak na anak ng tawak! may natutunan ako: na it really sucks to be one!
(pun not intended)
This post is tagged tawak
correct. marami talagang ganyan.
pero eto ang di ko ma-take: may kilala akong doktor ngayon na naniniwala na pinapa-kulam sya ng asawa nyang doktora!!! hindi na ito makatarungan!!!!
Hahahaha!
Mahirap talaga labanan ang nakakaugalian ng mga pinoy. madami na rin ako na-encounter na pasyente na hindi nagpunta sa duktor kaagad kasi nagpahilot o nagpatawas o kaya naglagay ng kung ano anong tapal. Haaay….